Thursday, September 28, 2006
Yehess naman! Ngayon pa lang ako nagpost tungkol sa foundation day(s)!!! Hahahaha!!! Ulul!!Battle of the Bands: Ayun, natapos namin ni Char yung battle. Last year kasi, hindi namin natapos eh. Nung umuwi na si Bea, sumabay na si Char. Ako naman, mga 11:00 pa lang, sinundo na. Kaya ayun. Buti na lang this year, pinayagan kami na tapusin.
Nung nagpaalam nga ako, sabi ko hindi ko na papanoorin yung Shamrock... tatapusin ko na lang yung pinakahuling banda. Imposible pala yun! Yung dalawang Guest band, (Shamrock & Blue Cheese) ang unang nagperform. Haha! Owkei lang yun! Ampogi nung drummer ng Shamrock! (woist! walang aangal ah!)... Blue eyes siya, tapos amputi, tapos antangos ng ilong, hindi nga black yung buhok eh, at antangkad nia!!! Wahahaha!!!
Anyway, pinakaunang nagperform yung 13th Commandment. Sayang nga eh. 15 minutes lang ang binigay sa kanila para magperform. Tapos, nagsimula sila ng count nung inaayos nila yung mga instruments. Ang daya talaga! Pinutol tuloy, sayang talaga! Buti na lang, nung pagtapos ng last band, pinayagan ulet sila magperform, habang inaayos na yung mga score. Sayang talaga
Last band na nagperform yung Chalkdust. Panalo sila... Ang ganda kasi ng pagkakatugtog nila eh. Ang linis. Congratulations sa inyo!!!
Cheering: Second place lang ang juniors. Masyado kasing mahaba yung mga interval between sa mga sayaw eh... Tska hindi memorize yung pagkakasunod-sunod. Kaya, umaalis-alis si Aica para sabihin sa boosters yung kasunod. Pero sabi nila, kaunti lang naman daw yung lamang ng Seniors sa amin eh. Nga pala, may props kami na dragon (yung pang-Chinese New Year, kuno). Tska banner na nakasulat, "Juniors '08". Nasaken nga pala yung banner ngayon. Haha!
Paparazzi Booth: Nag number-1 sa most requested si Kuya sa paparazzi booth! Go kuya! Tapos si Jeypee, nag number-2 tska 3. Kaso, nawala din siya. (Malas mo, tol!) Tapos, pati ba naman ako picturan daw? (Ayoko nga magsmile! Utot niyo!)
Nga pala, ba't hindi ako nakakuha ng picture ni Jeypee? Eh 75% ng mga request na yon galing saken? (Haha! Ulul!)
Skip na tayo, hanggang sa nagpunta yung mga nagpipicture-picture sa room namin. Binebenta na yung mga pics.
Ayun, pumunta sila dun tas pinicturan pala nila si Ano! Haha! Anggaleng! Dapat nga magrerequest ako ng picture niya eh. Kaso, meron na akong picture niya eh. Kaya, wag na lang. Sabi nung 4th year:
"O, kaninong picture ang gusto niyo? Kay Francis Tuazon? Nat Cruz? Myra Olaso?..." ayun... and so on and so forth. Tapos, umabot siya dun sa picture ni Heaven... "picture ni "Heaven" gusto niyo?" Tapos, tinignan niya yung pic ni Heaven. Sabi ba naman niya. "Alam niyo, ang cute netong bata na 'to." Naks naman! Hahahaha!!!
O, ayan... Ang mga natatanging highlights ng foundation (at ng aftermath [aftermath daw? ulul!] nito) para sa aken.
P.S. Nga pala, hindi "Heaven" ang sinabi niya ha! Duh-uh! Siyempre, pangalan ni Heaven yung sinabi niya. Ayoko nga lang sabihin dito kung sino siya. Kaya ikaw, (oo, ikaw) kung kilala mo siya, quiet ka na lang ah. Ako, mananahimik na lang muna ako kung sino si Heaven.
At kung balak mo naman hulaan kung sino siya, hulaan mo na ren kung sino 'tong mga 'to" Star, Poison, Toxic, Amphetamine.
So basically, don't bother to make hula na lang.
Geh... Alis na ako! Bahala ka na! Tag ka ah!









