Sunday, September 10, 2006
Grabe! Ewan ko ba kung anong nangyari kahapon, basta... hindi ko malilimutan ang September 9, 2006Sobrang depressed ako kahapon! Nung simula naman ng araw, okay lang ako... Pero pagdating ng gabi bago ako matulog, umiiyak na ako! Siguro kasi, kahapon ko lang naramdaman.
Kahapon ko lang naramdaman yung sakit. Antagal naman nang nangyari pero, kahapon talaga.. hindi ko na siguro nakayanan kaya, ayun. Kung sa bagay, alam ko naman talaga na masakit yun, hindi ko lang inakala na ganun pala kasakit. Antagal kong itinago yun, hindi ko ipinapakita, hindi ko ipinapahalata... Pero dumarating din naman ang araw na hindi mo na kinakayanan, diba? Dumating yung araw na yun kahapon. Buti na lang may kausap ako, may nakakaintindi sa nararamdaman ko. (Salamat talaga sa time mo kahapon ah)
Basta ayun... Kaya ngayon, eto ako, nakaupo sa harap ng computer. Nasasaktan. Umiiyak sa loob. Nagpapakasenti. Hindi na talaga maaayos ang buhay ko. Forever doomed na ako sa ganitong klaseng buhay. Eto lang talaga ang nakatadhana saken (naks, ayan nanaman... nagdadrama)... Palagi na lang akong umiiyak, kahit ganun, hindi parin ako nasanay.
Sorry kung andrama nitong post na 'to. Pero kailangan ko lang talaga ilabas eh.. Kaya ngayon, eto ako... nakikinig sa iba-ibang kanta na sa kasalukuyan eh nakakarelate ako. Ayoko na ng ganitong buhay...
-save me from the nothing I've become-









